POLICE CERTIFICATE /POLICE CLEARANCE (NBI Clearance)
Kung isa ka sa mga Pilipino na nagbabalak na pumunta ng Canada para bumisita sa iyong pamilya at kaibigan, mag-aral, maging care giver o kaya naman para magtrabaho para sa kinabukasan ng iyong pamilya at mga anak, kinakailangan mo kumuha ng Police certificate o National Bureau of Investigation (NBI) clearance para masigurado na wala kang criminal record at wala kang balak gumawa ng masama sa bansa na gusto mong puntahan.
Kung ikaw naman ay kasalukuyang nagtatrabaho na dito sa Canada at gusto mo mag-apply ng Permanent Residence, kinakailangan mo din kumuha ng Police certificate o NBI clearance, pati na rin ang iyong asawa at anak na edad 18 anyos pataas.
Paano kumuha ng NBI Clearance / NBI Clearance Renewal?
Kung ikaw ay nasa Pilipinas, pwede ka mag-apply sa NBI website (https://www.nbiclearance.org/how-to-apply-nbi-clearance-online/) o kaya naman pumunta ng personal sa kahit saang opisina ng NBI ( para sa listahan ng opisina ng NBI: https://www.nbiclearance.org/category/nbi-clearance/nbi-clearance-branch/).
Kung nag-apply ka ng NBI online, kailangan na i-print mo at ipakita ang online registration code at pumunta sa opisina ng NBI para sa fingerprinting at para makuhanan ka din ng picture.
Ang mga papeles at dokumento na kinakailangan para sa NBI clearance ay ang sumusunod:
(1) NBI application form na may kumpletong sagot.
(2) Dalhin ang alinman sa dalawang (2) IDs o pagkakakilanlan base sa mga sumusunod na dokumento
– valid passport
– Driver’s license
– voter’s ID
– PRC license
– SSS ID
– GSIS ID
– School ID
– Postal ID
– Tax Identification Number (TIN) ID
– Philhealth ID
– NSO Authenticated Birth Certificate
– Alien Certificate of Registration
– Senior Citizen card
– previous copy of NBI Clearance
(3) Kaukulang bayad sa pag proseso ng clearance (Sumangguni sa pinakamalapit na NBI Office or sa kanilang website para malaman ang presyo)
Huwag kalimutan na kailangan kunin ng personal ang resulta ng NBI clearance sa NBI Office kung ikaw ay nag-apply online (magbigay ng awtorisasyon/kasulatan kung iba ang kukuha ng iyong NBI clearance).
SA IBANG BANSA MALIBAN SA PILIPINAS
Kung ikaw ay nakatira sa labas ng Pilipinas tulad ng Canada, maari kang kumuha ng police certificate / NBI Clearance sa pamamagitan ng:
- Pagpunta ng personal sa pinakamalapit na Philippine Embassy or Consulate at ipadala ang application form sa National Bureau of Investigation (NBI) Head Office (Address: NBI Head Office, Mailed Clearance Section, 3rd Floor, NBI Clearance Building, UN Ave., Ermita, Manila, Philippines),
- Makiusap sa kamag-anak o kaibigan sa Pilipinas na ikuha ka ng NBI Clearance (magbigay ng awtorisasyon/ kasulatan para maikuha ka ng NBI Clearance)
- Magpunta sa lehitimong opisina na nagpoproseso ng police certificate / NBI Clearance tulad ng JCA LAW OFFICE Professional Corporation (https://filipinolawyer.ca/nbi-clearance/).
Ito ang mga kailangang ihanda na dokumento kung ikaw ay mag-aapply ng police certificate / NBI Clearance:
- NBI Clearance application form No. 5 at punan ng kumpletong impormasyon (maaaring makakuha ng kopya ng form sa website ng NBI or sa pinakamalapit na Philippine Embassy/Consulate). Ilagay ang dahilan kung bakit nag-aaply ng NBI Clearance certificate kung kinakailangan (e.g. for Immigration / permanent residence).
- Kumpletong fingerprint form (ang kopya ng form ay maaring makuha sa NBI website or sa pinakamalapit na Philippine Embassy/Consulate) at ipakuha ang iyong fingerprints sa lehitimong police or law enforcement agency sa inyong lugar. Kailangang pumirma sa form ang taong kumuha ng iyong fingerprints.
- 2×2 photo na may puting background at kinuha sa loob ng tatlong buwan bago magpasa ng NBI application form
- Kopya ng iyong lehitimong passport (bio-page)
- Kopya ng dalawang (2) I.D.
- Kaukulang bayad para sa pagproseso ($ 33.75 CAD para sa NBI Clearance sa Canada; alalahanin na hindi pa kasama dito ang bayad sa courier gaya ng DHL)
Kapag naipasa na ang lahat ng document at forms, ang iyong NBI Clearance certificate ay ipapadala sa iyong mailing address. Kung ayaw mong mamroblema at mag-isip pa sa kung paano mag-apply ng iyong NBI clearance at magbayad ng malaki sa courier gaya ng DHL, maari kang tulungan ng JCA LAW OFFICE Professional Corporation at gagawin namin ito para sa iyo! Mag-email sa: [email protected] o di kaya tumawag sa 1-855-522-5290 para sa karagdagang impormasyon.
Pagkuha ng Police Certificate /Police clearance sa ibang bansa maliban sa Philippines:
Kung ikaw ay nag-apply ng permanent residence sa Canada pero nagtrabaho ka sa ibang bansa maliban sa Pilipinas ng mahigit anim na buwan, kinakailangan mo din kumuha ng police certificate / police clearance sa bansang iyong pinagtrabahuhan . Hindi mo na kailangan pang mangamba, ang JCA LAW OFFICE Professional Corporation ay nagpo-proseso din ng police certificate / police clearance sa mga bansang gaya ng:
- Taiwan
- Hong Kong
- United Kingdom (UK)
- United Arab Emirates (Dubai, Abu Dhabi, Sharjah, etc.)
- Qatar
- Singapore
- Cyprus
- Israel
Mag-email sa: [email protected] or tumawag sa 1-855-522-5290 para sa karagdagang impormasyon.
Recent Comments